Buod ng Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Cashalo

  1. Panimula

Sa paggamit ng Cashalo Website, Mobile Application, at iba pang digital na media ng Cashalo (“Cashalo Facility”), sumasang-ayon ka sa Mga Tuntunin ng Serbisyo (“Mga Tuntunin”) ng Paloo Financing, Inc. (ang “Kompanya”) na makikita sa sumusunod na link: https://cashalo.com/terms-of-service/.

Ang buod ng Mga Tuntunin na ito ay ibinibigay para sa iyong kaginhawahan lamang. Dapat mong basahin, unawain, at sang-ayunan ang buong Mga Tuntunin ng Cashalo Facility.

Kung hindi mo nauunawaan o sinasang-ayunan ang Mga Tuntunin, mangyaring ihinto ang paggamit ng Cashalo Facility.

  1. Kwalipikasyon

Upang magamit ang Cashalo Facility, dapat ay:

  • Hindi ka bababa sa 18 taong gulang.
  • May mabuting credit standing.
  • May legal na kakayahang pumasok sa mga kasunduan.
  • Pumayag sa beripikasyon ng pagkakakilanlan, pagsusuri sa pandaraya, at pagsusuri sa background.
  1. Pagpaparehistro at mga Obligasyon ng Gumagamit

Sa paggamit ng Cashalo Facility, sumasang-ayon kang magbigay ng tama at kumpletong impormasyon sa pagpaparehistro o aplikasyon. Kung hindi, may karapatan ang Kompanya na kanselahin ang iyong pagpaparehistro, suspindihin ang iyong account, tanggihan ang anumang aplikasyon, at/o higpitan ang iyong paggamit ng Cashalo Facility.

  1. Pagkapribado at Paggamit ng Datos

Sa pagpaparehistro at paggamit ng Cashalo Facility, sumasang-ayon kang ang iyong personal na impormasyon, alinsunod sa Data Privacy Act of 2012 (“Personal na Datos”), ay maaaring kolektahin, gamitin, at iproseso alinsunod sa Patakaran sa Pagkapribado ng Kompanya na makikita sa: https://cashalo.com/privacy-policy/.

Maaaring ibahagi ang iyong Personal na Datos sa mga third-party, kabilang ang mga institusyong pampinansyal, ahensya ng pag-iwas sa pandaraya, at mga ahensya ng gobyerno para sa pagsunod sa batas at pagpapahusay ng serbisyo.

  1. Para sa Gumagamit
  • Ikaw ay responsable sa anumang ibinabahagi mo sa Cashalo Facility.
  • Maaaring gamitin ng Kompanya ang iyong ibinabahagi para sa anumang layunin, kabilang ang marketing o pag-iwas sa pandaraya.
  • Hindi ka dapat mag-post ng anumang illegal or nakakalabag sa Cashalo Facility.
  • Hindi responsable ang Kompanya sa sa sinumang third-party para sa anumang maling paggamit ng mga ibinahagi mo sa Cashalo Facility.
  • Sumasang-ayon kang hindi gumamit ng pekeng pangalan o itago ang iyong totoong pagkakakilanlan para sa pandaraya, pag-iwas sa hatol, o pananakit.
  1. Mga Serbisyo ng Third-Party at Pananagutan

Maaaring kabilang sa Cashalo Facility ang mga produkto at serbisyong inaalok ng mga third-party provider. Ang paggamit mo ng mga produkto o serbisyong ito ay sasailalim sa kani-kanilang mga tuntunin at kundisyon. Dapat mong suriin ang mga tuntunin ng third-party bago gamitin ang kanilang mga produkto at serbisyo. Hindi mananagot ang Kompanya sa kalidad o pagiging maaasahan ng anumang produkto o serbisyong inaalok ng third-party.

Kung bibili ka ng anumang produkto o serbisyong third-party sa pamamagitan ng Cashalo Facility, hindi mananagot ang Kompanya para sa anumang hindi naihatid na produkto o serbisyo, mga depekto, pinsala, at after-sales service ng naturang mga produkto o serbisyo.

Ikaw ang may ganap na pananagutan sa iyong mga transaksyon sa pagbabayad, lalo na kung makikipagtransaksyon sa mga mangangalakal na maaaring may limitadong patakaran sa refund para sa mga reklamo.

  1. Walang Garantiya at Limitasyon ng Serbisyo
  • Ang Cashalo Facility ay ibinibigay sayo “as is” at “as available.”
  • Hindi ginagarantiya ng Kompanya ang walang patid o walang error na serbisyo.
  • Hindi mananagot ang Kompanya sa mga pagkaantala o error sa serbisyo.
  1. Pananagutan sa Account
  • Ikaw ang responsable sa seguridad ng iyong account.
  • Iulat agad ang anumang hindi awtorisadong paggamit o paglabag sa seguridad.
  • Hindi mananagot ang Kompanya sa anumang pagkawala dulot ng hindi awtorisadong pag-access.
  • Ang Kompanya ay may karapatang alisin o bawiin ang anumang username anumang oras at para sa anumang dahilan, kabilang ngunit hindi limitado sa mga reklamo ng third-party na ang isang username ay lumalabag sa kanilang mga karapatan.
  1. Mga Ipinagbabawal na Gawain

Sumasang-ayon kang sumunod sa lahat ng naaangkop na tuntunin at kundisyon, batas, at regulasyon sa iyong paggamit ng Cashalo Facility.

Hindi ka dapat:

  • Gumawa ng maraming account.
  • Makisali sa pandaraya, pagpapanggap, o pagpapakalat ng maling impormasyon.
  • Magbahagi ng mapanganib o nakakasakit na nilalaman.
  • Lumabag sa anumang karapatang-ari.
  • Subukang makakuha ng hindi awtorisadong access o magsagawa ng paglabag sa data.
  • Mag-post ng hindi hinihinging patalastas o promotional na materyal.
  • Humingi ng mga password o personal na impormasyon.
  • Isapubliko ang anumang personal na impormasyon ng ibang tao nang walang kanilang pahintulot.
  • Kolektahin ang personal na impormasyon ng ibang gumagamit.
  • Mag-post o magbahagi ng anumang materyal na naglalaman ng software virus o anumang computer code, file, o programa na idinisenyong sirain, limitahan, o hadlangan ang paggana ng anumang computer software, hardware, o kagamitan sa telekomunikasyon.
  1. Mga Nakalaan na Karapatan ng Kompanya

Ang Kompanya ay may karapatang:

  • Tanggihan ang pag-access sa Cashalo Facility.
  • Suspindihin o ipawalang-bisa ang mga user account.
  • Baguhin o ihinto ang mga serbisyo sa Cashalo Facility.
  • Kolektahin, suriin, at ibahagi ang data ng mga gumagamit para sa pag-iwas sa pandaraya.
  • Suriin o alisin ang anumang impormasyong ibinigay sa Cashalo Facility.
  • Pagandahin o pahusayin ang mga serbisyo sa Cashalo Facility.
  • Beripikahin ang katotohanan ng impormasyong ibinigay sa Cashalo Facility.
  • Magtakda ng mga limitasyon sa mga serbisyo sa Cashalo Facility.
  • I-update ang Mga Tuntunin ng Serbisyo na may paunang abiso.
  1. Mga Kontrata at Awtorisasyon

Ang paggamit ng Cashalo Facility ay maaaring mangailangan ng pagsang-ayon sa ilang kasunduan (“Kasunduan”). Sa pamamagitan ng pagpirma, sumasang-ayon kang sumunod sa mga tuntunin nito.

  1. Mga Paraan ng Pagbabayad at Awtorisadong Debit Arrangement (ADA)

Ang anumang pagbabayad na gagawin mo kaugnay ng Kasunduan ay dapat dumaan sa mga itinalagang bangko o third-party na hinirang ng Kompanya upang tumanggap ng pagbabayad (“Mga Payment Channel”).

Ang anumang pagbabago sa Mga Payment Channel ay ipo-post sa Cashalo Facility o sa webpage (https://www.cashalo.com/portfolio/where-can-I-repay-my-loan/).

Hindi mananagot ang Kompanya sa anumang pagkaantala o pagkabigo sa pag-kredito o pagtanggap ng bayad na dulot ng anumang pangyayari, sitwasyon, pagkakamali, o kapabayaan ng Mga Payment Channel, kabilang ngunit hindi limitado sa pagsasara, hindi paggana, o pagkasira ng Mga Payment Channel.

Maaaring piliin ng mga gumagamit ang ADA upang payagan ang awtomatikong pagbabayad mula sa kanilang itinalagang bank account. Dapat tiyakin na may sapat na pondo sa account, at maaaring i-unlink ng mga gumagamit ang kanilang account sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Cashalo customer service sa hello@cashalo.com.

  1. Pagwawakas ng Serbisyo

Maaaring wakasan ng Cashalo ang iyong pag-access nang walang abiso kung lumabag ka sa Mga Tuntunin.

Ang pagwawakas ay hindi nagpapawalang-bisa ng anumang natitirang obligasyon mo sa Kompanya.

  1. Pananagutan

Ang Cashalo ay hindi mananagot sa anumang pinsala o pagkalugi na maaaring maranasan mo o ng isang third party bilang resulta ng:

  • Pagtanggi ng anumang institusyong pampinansyal na payagan, tanggapin, o kilalanin ang serbisyo ng Cashalo.
  • Hindi magagamit na serbisyo o sistema.
  • Pagkaantala, pagkagambala, o pagwawakas ng isang transaksyon dahil sa panlabas na mga salik.
  • Mga isyu sa third-party, kabilang ang pandaraya o hindi awtorisadong mga transaksyon.
  • Pagkalugi mula sa hindi awtorisadong paggamit ng iyong Cashalo Facility account.
  • Pandaraya o maling gawain ng third-party.

Ikaw ay mananagot sa anumang pagkawala o pinsalang mararanasan ng Kompanya o ng iba pang mga gumagamit bilang resulta ng:

  • Iyong paglabag sa Mga Tuntunin ng Serbisyo o anumang Kasunduang pinasok mo kaugnay ng Cashalo Facility.
  • Iyong mapanlinlang na paggamit ng Cashalo Facility.
  • Iyong pagbibigay ng hindi tama, mali, o mapanlinlang na datos o impormasyon.
  1. Mga Karapatan sa Intelektwal na Ari-arian

Ang lahat ng trademark, logo, at copyrighted work and proprietary content (“Cashalo Marks”) sa Cashalo Facility ay pag-aari ng Kompanya o ng third-party.

Hindi mo maaaring gamitin o ipamahagi ang alinman sa mga ito nang walang pahintulot.

  1. Mga Pagbabago sa Mga Tuntunin ng Serbisyo

Maaaring baguhin ng Kompanya ang Mga Tuntunin anumang oras. Ang patuloy na paggamit ng Cashalo Facility pagkatapos ng mga pagbabago ay nangangahulugan ng iyong pagsang-ayon.

  1. Iba Pang Probisyon

Sumasang-ayon ka na ang lahat ng dokumento o paunawa ay maaaring ipadala sa iyo nang elektronikong paraan sa pamamagitan ng iyong email address at/o mobile number na ibinigay mo noong pagpaparehistro.

Alinsunod sa umiiral na batas, ang lahat ng disclaimer, indemnity, at exemption na nakasaad sa Mga Tuntunin na ito ay mananatiling may bisa kahit matapos ang anumang Kasunduan sa pagitan mo at ng Kompanya.

Ang Mga Tuntunin na ito ay pinamamahalaan ng mga batas ng Pilipinas, at ang anumang hindi pagkakasundo ay lulutasin sa mga hukuman ng Pasig City.

  1. Pagtanggap ng Gumagamit

Sa pamamagitan ng pagpaparehistro o paggamit ng Cashalo Facility, kinikilala at sinasang-ayunan ko ang Mga Tuntunin. Pumapayag din akong iproseso ang aking Personal na Datos alinsunod sa Patakaran sa Pagkapribado.

DIGITALLY SIGNED

NAPAG-ARALAN KO ANG MGA TUNTUNIN NA ITO AT SUMASANG-AYON AKO SA LAHAT NG MGA PROBISYON NA NAKASAAD SA ITAAS, KABILANG ANG ANUMANG SUSUNOD NA PAGBABAGO SA MGA TUNTUNING ITO.

SA PAG PINDOT NG “SIGN UP,” “CONNECT,” “REGISTER,” O “SUBMIT” NA BUTTON NG ANUMANG SOCIAL MEDIA O PUBLIKONG PLATFORM NA KONEKTADO SA CASHALO FACILITY, NAUUNAWAAN KO NA AKO AY LUMILIKHA NG ISANG DIGITAL SIGNATURE, NA MAY PAREHONG BISA AT EPEKTO NA PARANG MANO-MANO KONG PINIRMAHAN ANG AKING PANGALAN.

Ang bersyon ng Mga Tuntunin na ito ay huling na-update noong Enero 14, 2025.