6 Tips Para Makatipid sa Household Bills

Pagdating mo galing trabaho, may makikita kang bagong tambak na envelopes sa ibabaw ng mesa. Iisa lang ang ibig sabihin nito: nagdatingan na ang monthly household bills na kailangan bayaran. Habang iniisa-isa mo ang pagbukas ng mga ‘to, marahil ay umiiling-iling ka sa dami ng babayaran mo.

Ito ang kadalasang scenario na mararanasan mo hangga’t hindi mo natutunan kung paano pabababain ang iyong household bills. Masakit sa bulsa, lalo na kapag isa ito sa mga dahilan kung bakit hindi ka nakakapag-ipon.

The good news is, puwede mo’ng baguhin ang sitwasyong ito. Simulan mo sa pag-control ng household expenses mo, at eventually, mararamdaman mo na malaking ginhawa ang pagbaba ng buwanang gastusin mo.

Sundin ang mga tips na ito para bumaba ang household bills mo at makapagsimula ka na ulit mag-ipon:

1. Magbayad ng bills on time

Ang pagbayad ng late ay may penalty o iba pang fees na lalong makakadagdag sa’yong mga bayarin. Halimbawa, hindi ka lang mapuputulan ng kuryente kapag late ka nagbayad. Meron pa ‘tong additional fees o surcharge para ma-reconnect ang linya niyo. Ganito rin ang puwedeng mangyari sa iyong water bill pag hindi nabayaran sa tamang oras.

Tandaan, ugaliing magbayad on or before ng due date para hindi lumobo ang gastusin.

2. Magtipid ng kuryente at tubig

Ngayong malapit na ang summer season, malaki ang chance na tataas na naman ang electricity bill mo dahil sa mas malakas na konsumo ng air-con, electric fan, at refrigerator. I-set ang timer ng air-con para mag-auto off pagkatapos ng ilang oras. Tapos, gamitin ang electric fan para mag-circulate ang naiwang lamig sa loob ng kuwarto.

May times na naiiwanan nating bukas ang mga ilaw, TV, at iba pang appliances kahit walang gumagamit. Sanayin ang pag-check ng mga ilaw kung nakaiwan ang mga ito na nakabukas. Iwasan din iwanang naka-on ang TV, lalo na kung patulog ka na. Kung aalis ng bahay, tanggalin ang mga saksak para siguradong walang appliances (bukod sa ref) na mag-aaksaya ng kuryente.

Malakas din sa kuryente ang washing machine at plantsa, kaya i-schedule ang paglalaba at pagplantsa nang once a week hangga’t maaari. Kung mataas naman ang konsumo ng ibang mga gamit, tingnang mabuti kung may sira na ang mga ito.

Ang mga lumang appliances ay mas malakas sa kuryente kaysa sa mga bagong modelo na may energy-saver features. Maaari kang mag-apply ng appliance loan para mapalitan agad ang luma or sirang appliances.

Iwasan din ang pag-aaksaya ng tubig. Siguraduhing walang tagas ang mga tubo at hindi nahahayaang tumutulo ang mga gripo. Tandaan, ang mga maliliit na bagay ay may malaking epekto ‘pag pinagsama-sama. Isipin mo na lang kung ilang baldeng tubig ang naipon mo sana kung pinatay mo yung gripo habang nagsisipilyo ka.

3. Suriin ang mga memberships at subscriptions

Karamihan sa atin ay may cable TV, internet, at iba pang service subscriptions na binabayaran kada buwan. Dagdag pa rito ang pagbili ng cellphone load. Para makabawas sa gastusin, tingnang mabuti kung sulit ba ang inyong ibinabayad. Ask yourself this: kailangan ko ba talaga ‘to?

Kung mas madalas kang wala sa bahay, baka puwede mo nang ipaputol ang cable at internet para hindi sayang ang ibinabayad mo. Tutal, sa cellphone ka naman nag-iinternet at nanunuod ng videos.

Kapag lagi kang nauubusan ng cellphone load, baka hindi ka nakakapag-register sa mga unli promos at combos. Aralin ang mga samu’t-saring promos ng network mo, para malaman mo kung saan ka mas makakatipid.

4. Bawasan ang pagkain sa labas at gumawa ng weekly meal plan

Masarap kumain sa labas, pero magastos. Isipin mo: ‘yung Php30 na isang cup ng plain rice ay more than ½ kilo na ng bigas. Paano pa kaya ‘yung ulam? Subukan mong limitahan ang pagkain sa restaurant o fastfood. Mas wais din kung magbabaon ka ng pagkain sa office para hindi mapilitang gumastos.

Pagdating naman sa bahay, ugaliing gumawa ng meal plan per week para may control sa gastusin tuwing nasa grocery o palengke. Pag-aralan kung paano ang tamang pagbu-budget para hindi magsisi sa huli.

5. Magtipid sa transportation expenses

Hindi natin makakailang ma-traffic at mahirap sumakay lalo na sa Metro Manila. Pero malaki ang matitipid mo kung bus, jeep, MRT o LRT ang sasakyan mo papasok sa opisina. Gumising nang mas maaga para maiwasan ang rush hour.

Puwede ka rin maki-carpool para makatipid sa pamasahe. Hindi mo na kakailanganin magbook ng ride sharing service o kaya’y regular taxi. Kung malapit lang ang bahay mo sa babaan ng jeep, puwede ka nang maglakad kaysa mag-trycicle para mas makabawas sa transportation expenses.

6. Ihiwalay ang ‘need’ at ‘want’ spending

Minsan, mahirap umiwas sa gastos, lalo na’t may mga sale sa malls at online stores. Pero para sa ikabubuti ng iyong financial health, matutong ihiwalay ang mga bilihing nasa ‘needs’ category at sa ‘wants.’ Para makabawas sa gastusin, bilhin lang ang items na nasa ‘needs’ list niyo. Madali mo nalang mababalikan ang mga ‘wants’ pag napababa mo na ang expenses ng household bills at nakapagtabi ka na ng pang-shopping. Kung magsho-shopping ka naman, maaari kang mag-loan sa Cashalo para masulit mo ang 0% installment.


Conclusion

Kung napapansin mong lumalaki na ang household bills ninyo, gawan agad ito ng paraan habang maaga. Huwag hayaang dumating sa punto na hindi niyo na kayang bayaran ang mga ‘to. Ugaliing magtipid at gumamit lang ng mga services ayon sa pangangailangan. Pero kung hindi ito maiwasan, may matatakbuhan ka kay Cashalo. Makakapag-loan ka agad dahil sa mabilis na approval sa loob ng 24 oras. Siguradong hindi ka lalagpas sa due date ng iyong mga bills!

About Cashalo

Cashalo is a fintech platform that delivers digital credit to Filipinos – helping them elevate their financial well-being. All loans under the Cashalo Platform are financed by Paloo Financing Inc., with SEC Registration No. CSC201800209 and Certificate of Authority No. 1162

Want to help accelerate financial inclusion in the Philippines? We’re hiring – jobs@cashalo.com

Address: Office 608, 6F Cyber One Building, 11 Eastwood Avenue, Eastwood City Cyberpark, Bagumbayan, Quezon City