SIM Registration Act
Republic Act No. 11934
A law enacted to protect all users from any SIM, internet or electronic communication-aided crimes such as scams, bank fraud, trolling, and spread of digital disinformation or fake news, among others.
The law requires all mobile subscribers to enroll their SIM cards by July 25. If not registered, their cards will be automatically deactivated.
FAQs
Nabuo ang SIM Registration Law para matigil ang mga scam at spam messages na naging laganap ngayon. Sa pagpapatupad nito, mas madaling mahuhuli at matitigil ang mga scam operations.
Ang iyong telco provider, tulad ng Globe, TM, Smart, at iba pa, ay magpapadala o nagpadala na ng link sa isang secure website kung saan dapat i-rehistro ang iyong SIM. Hanapin ito sa inyong SMS o kaya pumunta sa website ng iyong telco.
Globe / TM: https://www.globe.com.ph/register-sim-card.html
Smart/ TNT: https://simreg.smart.com.ph/
DITO: https://dito.ph/sim-registration
Individual users:
- Full name
- Date of birth
- Gender
- Address
- Valid government ID or documents
Business users:
- Business name
- Business address
- Full name of authorized signatory
Ang kahit alin sa mga valid government ID na ito ay pwedeng gamitin para sa SIM registration:
- Passport
- Philippine Identification System ID
- SSD ID
- GSIS e-Card
- Driver’s license
- NBI clearance
- Police clearance
- Firearm’s license
- PRC ID
- Integrated Bar of the Philippines ID
- Overseas Workers Welfare Administration ID
- BIR ID
- Voter’s ID
- Senior Citizen’s Card
- UMID
- PWD Card
- Other government-issued ID with a photo
Ang deadline para sa SIM registration ay July 25. Kung hindi pa rehistrado ang SIM mo, ay made-deactive ito—ibig sabihin ay hindi ka na makakatanggap at makakapadala ng SMS o tawag.
How to Register your SIM
SIM Registration and your Cashalo Account
Ano ang mangyayari sa Cashalo account ko kung hindi ako nag-register ng aking SIM?
Maaari mo pa rin buksan at mananatiling secure ang iyong Cashalo account. Pero ‘pag lumipas ang SIM registration deadline at ma-deactivate na ang iyong SIM, hindi ka na makakatanggap ng tawag at OTP via SMS, na nangangahulugang hindi ka na makaka-apply para sa loan.
May bago na akong registered SIM, pwede ba itong gamitin sa existing Cashalo account ko?
Pwedeng palitan ng bagong SIM-registered mobile number ang iyong lumang deactivated mobile number na naka-rehistro sa Cashalo. Makipag-ugnayan lang sa aming Customer Service team para ma-proseso ang request na ito.
May outstanding loan ako na hindi ko pa nababayaran, pero na-deactivate ang SIM ko. Ano ang mangyayari?
Dapat pa rin bayaran ang iyong loan sa Cashalo at mabubuksan mo pa rin ang iyong account para makita ang repayment amount, due date, at iba pang detalye.
Para makapag-loan ulit pagkatapos ng iyong full repayment, makipag-ugnayan sa aming Customer Service team para ma-proseso ang pag-palit ng iyong Cashalo-registered mobile number sa bago mong active at rehistradong SIM.